Friday, March 13, 2015

Review Ko Para Kay Mace


Disclaimer: I’m not a movie reviewer so don’t judge me. Gusto ko lang i-expound yung initial reaction ko sa Facebook status ko about That Thing Called Tadhana. At tsaka baka may spoiler din ahead, so ingat sa hindi pa nakakapanood.

Okay fine Mace, ako nang hindi nakapanood ng One More Chance. Tama na ang pagdikdik sa akin. Eh sa hindi ako mahilig sa Filipino films in general… more so of romantic films. Seryoso. Karamihan kasi predictable na nga ang story nakakadisappoint pa. Nakakakilig at magaganda din naman yung linya ng ibang Filipino romantic films pero most of the time pagdating sa ending: Yun na ‘yon? Yun lang? May mga potential pero hindi sya na-execute ng maayos. Madalas kukuha lang ng maraming nakakakilig na linya at scenes at paghahalu-haluin then voila! Tapos na. Yun na yun. Mapakilig ka lang pero wala nang iba pang substance. Pagdating sa cinematography talagang hindi ko mawari bakit pare-pareho na lang ang ang mga angle nila: boring. Basta makuha sa frame ang kagwapuhan at kagandahan ng artista ayos na. Parang hindi naccosider na ang bawat composition ng bawat frame ay nakakacontribute sa over-all cinematography. Hindi naman porke maganda ang camera maganda na agad ang kuha.

Dito ako na-amaze sa TTCT. Sa bawat opening scene ng bagong location ramdam mo din yung location na tila hinihalina ka na puntahan sila. Napaka-rich at vivid ng kuha. Simple, malinis, at artistic. Mapapa-Session Road ka, Sagada, airport, spa, Nishigo restaurant, BenCab museum, Cafe by the Ruins, at kahit yung bus stop nila pa-biyaheng Baguio parang gugustuhin mong puntahan.

Since ito nga ay hugot film, malamang maraming hugot di ba? Pero ang hugot hindi effective kung wala sa timing at pinagpipilitan. Maraming romantic films ang may ‘hugot’ element pero ang off ng dating. Pilit kasi. Awkward din ang pagkaka-deliver at sequencing. May tiwala ako sa friend ko na nag-recommend ng TTCT pero at the same time ayoko ma-disappoint so binabaan ko na lang din yung expectation ko para at least hindi ako manghihinayang sa time at pera just in case the film will end in disappointment for me.


In fairness Mace, mahaba yung kwento mo kay Anthony tungkol sa ex mo after nyong kumain sa shabu-shabu restaurant. Pero what made me happy is that hindi ko na-feel that I was sluggishly dragged through it. Common nang maririnig ang linya na sinabi ni Mace pero ang delivery ni Angelica Panganiban, tagos. Pakiramdam ko pareho kami ng expression ni Anthony habang nakikinig kay Mace. Ganun ang powerful execution ng lines, mapapa-empathize ka sa character. 

Hindi ko din alam kung ano ang meron kay John Lloyd at maraming girls ang gwapong-gwapo sa kanya. Siguro charming sya pero hindi lang ako na-charm. Pero si JM De Guzman, iba. Hindi sya maputi o chinito o ganun katangkad. Napaka-Malayan lang ng features at higit sa lahat, hindi nya kinailangan mag-pout at mag-smolder-look-in-his-eyes para maging charming. Maayos ang pagkakaarte kaya charming ang result. Yung iba kasi tiwala lang sa charm nila pero epic fail ang pag-arte.


Overall, I think what made the story click is that it’s real, simple, natural, relatable, straight to the point, walang unnecessary paligoy-ligoy at well-thought out ang sequences. Huling-huli ang kilig at the right moments. Nakuha pa kong patawanin sa end credits! Kaya yun Mace, paglabas ko ng sinehan napangiti ako sa scene na na-imprint sa mind ko: yung book nyo na The Arrow with a Heart Pierced Through Him. Napabuntong-hininga din ako ng malalim na malalim, “Haaaay… kaya. Kaya naman pala. Kaya naman pala nating mga Pilipino na gumawa ng ganitong pelikula na inosente at hindi kailangan ng kissing at bed scenes para gumanda. Bakit hindi natin dalas-dalasan pa? Sana din Mace, wag ka nang tatanga-tanga uli at absolute na talaga ang pag-move on mo.”

Sorry, first time ko fully maka-appreciate ng Filipino romantic film, so stop judging me! Susubukan ko bigyan ng chance ang One More Chance at kapag di ko na-appreciate, babalik na lang ako uli sa That Thing Called Tadhana. Tara nang mag-Sagada!


P.S. Sana magkaroon pa ng maraming Antoinette Jadaone na may gift of storytelling through filmmaking at hindi lang puro pera ang motivation. Napakarami kasing box office hits na milyon milyon ang kinita pero wala talagang kwenta ang kwento. Sikat lang. Magkapera lang. Pero hindi napapalago ang pagka-Pilipino ng isang Pilipino.

P.P.S. Please legally support this kind of film. Respeto lang sa mga nagpagod para gumawa nito. Hindi na nga ganun kadalas ang mga ganitong film, nanakawan mo pa.

P.P.P.S. Takpan ang mga tenga sa ilang scenes dahil medyo ang rami lang nilang mura. Galit lang talaga sa ex eh.

P.P.P.S. Madami nang list ang lumabas ng mga hugot lines pero itong isang favorite ko hindi ko pa nakikita so isasama ko na lang dito:

Nung paakyat sila sa overpass at nag-offer si Anthony na tulungan si Mace sa bagaheng dala nito.

Mace: Ako na, kaya ko.
Anthony: Mabigat di ba? …Mabigat.
Mace: Mabigat pero kaya ko.
Anthony: Kaya. Pero mabagal.
Mace: Pero kaya.
Anthony: Kaya?
Mace: Kaya. Pero mabagal.




No comments: